Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan ang mga plastic barrier o divider sa mga jeepney at bus sa ilalim ng alert level 1.
Sa inilabas na datos ng LTFRB, nakapaloob sa Memorandum Circular 2022-028 na mahigpit lang na ipinatutupad ang wastong paggamit ng masks sa mga pasahero, driver, at konduktor at pagsunod sa IATF-EID at DOH health protocols.
Habang kabilang ang pagsunod sa sanitary pads sa mga terminal alinsunod sa Republic Act No. 11311.
Simula kahapon, pinayagan nang itaas sa 100% o full seating capacity ang mga pampublikong transportasyon. —sa panulat ni Abby Malanday