Nanawagan na ang Malakanyang sa Kongreso na repasuhin ang Oil Deregulation Law sa gitna ng walang humpay na price increase sa krudo at nagpapatuloy na kaguluhan sa Ukraine, na inaasahang magkakaroon ng epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay acting presidential spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles, ang pagrebisa sa nasabing batas ay kabilang sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilan anya sa mga nais i-parepaso ng palasyo ang probisyon sa minimum inventory requirements at intervention powers ng gobyerno tuwing mayroong price hike o serye ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Sa ilalim ng batas, na mas kilala bilang Downstream Industry Deregulation Act of 1998, inalis ang kontrol ng pamahalaan para tulungan ang oil companies na maging mas “competitive” sa kanilang supply at pagpe-presyo ng kanilang produkto.
Gayunman, nag-adjournang sesyon ng kongreso noong Pebrero a – kwatro at magpapatuloy lamang sa Mayo a–23 o matapos ang national at local elections sa Mayo a–9.
Maaari namang magpatuloy ang sesyon kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapatawag nito.