Mayroon nang inihandang hakbang at contigency plan ang pamahalaan bilang tugon sa epekto sa ekonomiya, kalakalan at human resources ng gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay acting spokesperson Karlo Nograles, sa ipinatawag na pulong ni pangulong rodrigo duterte, tiniyak na handa ang hanay ng Armed Forces of the Philipinese (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Inaprubahan rin ng Pangulo ang rekomendasyon ng economic team ng pamahalaan, kaugnay sa pagpapatatag ng domestic economy at local food production ng bansa.
Ang Pilipinas ay kaisa ng buong mundo sa pananalangin na magkaroon na ng mapayapang resolusyon sa lalong madaling panahon. – Sa panulat ni Abigail Malanday