Pinaalalahanan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ng mababang supply ng isda dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
Sinabi ni Pamalakaya Spokesperson Ronnel Arambulo, posibleng maramdaman ang mababang huli ng isda sa unang bahagi ng taong 2022.
Dagdag pa ni Arambulo, nasa 80% o halos P9K na gastusin ng mga mangingisda ay napupunta lang sa petrolyo.
Dahil dito, mapipilitan ang mga mangingisda na bawasan ang kanilang pagpalaot dahil sa mataas na presyo ng diesel na magreresulta sa kaunting supply ng isda sa mga palengke.