Naging mapayapa ang unang araw ng pagsasailalim ng Alert level 1 sa National Capital Region (NCR).
Sa pahayag ng Pihilippine National Police (PNP), walang naitalang untoward incident na may kinalaman sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert level 1 sa Metro Manila at 38 pang mga lugar sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief PGEN. Dionardo Carlos, ginawa nalang nilang mga Law Enforcement Checkpoints o Commission on Elections o COMELEC Checkpoints ang mga dating Quarantine Control Points.
Sinabi ni Carlos na 3K indibidwal na ang pinagsabihan ng PNP dahil sa hindi pagsunod sa health protocols.
Samantala, 861 naman ang pinagmulta dahil sa paglabag sa mga Health Ordinance ng Local Government Units.
Sa ngayon, patuloy pa ring minomonitor ng PNP ang publiko kaugnay ng pagsunod sa minimum public safety standards sa mga pampublikong lugar sa gitna ng Alert level 1. —sa panulat ni Angelica Doctolero