Malaki ang pag-asa ng malakanyang na masosolusyonan ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine na ikinasawi ng libo-libong inosenteng sibilyan.
Ayon kay Acting Presidential at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kaisa ang palasyo sa panalangin ng buong mundo na mareresolba sa mapayapang pamamaraan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Nograles na ang tensyon ng dalawang bansa ay may malaking impact o epekto sa ekonomiya ng bansa lalo pat ngayon pa lamang nmakakarekober ang Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda ang pamahalaan sa alinmang eventuality o insidente sakaling lumala ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero