Iginiit ng Direktor ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Prof. Jay Batongbacal na dapat na manindigan, magkaroon ng iisang posisyon at hindi maging neutral ang Pilipinas hinggil sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Batongbacal, magkakaiba ang nagiging pahayag ng mga opisyal ng pamahalaaan ukol sa isyu ng dalawang bansa.
Kasunod ito ng pagpabor ng Pilipinas sa naging resolusyon ng United Nations (U.N) na kumukondena sa pananakop ng Russia na tila salungat naman sa pagpabor ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni Batongbacal na kung mananahimik at hindi kikilos ang pilipinas ay parang hinayaan lang natin ang ginagawang pananakop ng Russia na paglabag sa soberanya at territorial integrity ng Ukraine.
Aminado si Batongbacal na ramdam na ng Pilipinas ang epekto ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero