Hindi na sapat ang minimum wage ng mga manggagawang pilipino sa harap ng walang-prenong pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga produktong petrolyo.
Iginiit ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) President Raymond Mendoza na kasabay ng kaliwa’t kanang price increase, bumababa na ang buying-power ng mga Pinoy kaya’t panahon na upang itaas ang suweldo.
Ayon kay Mendoza, na kinatawan din ng TUCP Partylist, maghahain sila ng petisyon upang ihirit na ipako sa 750 pesos ang minimum wage.
Kung hindi naman anya mapagbibigyan ang kanilang hiling ay kuntento na sila na dagdagan 121 pesos ang kasalukuyang 537 peso minimum wage ng mga manggagawa.