Isusulong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang pagpasa sa House Bill no. 10411 o ang suspensyon sa buwis sa langis sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o Train Law sa loob ng tatlong taon, sakaling magkaroon ng espesyal na sesyon ang kongreso.
Aniya, dapat maibalik ang mekanismo sa suspensyon ng buwis sa petrolyo sa ilalim ng section 43 ng train law, kung saan nakasaad dito ang pagsuspinde sa buwis sakaling tumaas ang presyo ng krudo sa 80 dollar per barrel sa pangdaigdigang merkado na naging epektibo noong 1998 hanggang 2000.
Dagdag ni Defensor, kaya aniyang muling ipatupad ito upang mapigilan ang pagtaas ng buwis sa langis gayong tumaas na ang halaga ng krudo sa 113 dollars kada bariles dulot ng girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.