Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee na muling pag-aralan ang posibilidad na muling buksan ang Bataan Nuclear Powerplant sa bayan ng Morong.
Layunin nito na matiyak ang sapat na supply ng kuryente gamit ang ibang mga pagkukuhanan ng enerhiya katulad ng nuclear power, upang makamit ng bansa ang mga gross target sa ekonomiya.
Ayon pa sa Pangulo, nais niya na tulad ng mauunlad na bansa ay gumamit rin ang pilipinas ng nuclear power na malaki ang maitutulong sa ekonomiya.
Samantala, tiniyak naman ng Pangulo na susundin ng pamahalaan ang pinaka-mataas na standard sa nuclear safety sa National Standard. – sa panulat ni Mara Valle