Nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga motorista na isumbong ang mga gasolinahang nagbebenta ng mas mahal na produktong petrolyo.
Inihayag ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. na kung lumampas sa itinatakdang presyo, iinspeksyunin ng DOE ang mga gasolinahan.
Hindi anya nila papayagan ang mga profiteer na samantalahin ang walang patid na pagsirit ng presyo ng oil products.
Sa datos ng DOE-Oil Industry Management Bureau, ang presyo ng diesel sa bansa ay naglalaro sa 52 hanggang 65 pesos kada litro;
Gasolina, 60 hanggang 83 pesos kada litro at kerosene, 61 hanggang 68 pesos kada litro.
Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa limitadong supply na pinalala ng pagsakop ng Russia sa Ukraine.