Inaresto ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan Ng Leyte Police Station sa Barangay Ponong Carigara, Leyte.
Kinilala ang mga suspek na sina Joel Dela Lauron Cerna, 66 years old na top 7 most wanted person-provincial level list at Ernie Pacala Dotillos, 29 years old na top 10 naman sa listahan ng mga otoridad.
Nahuli si Cerna sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Carigara, Leyte Regional Trial Court’ (RTC) Presiding Judges Hon. Emelinda Maquilan at Hon. Lauro Andres Castillo dahil sa paglabag sa section 5B ng Republic Act 7610 na nahaharap sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa.
Nahuli naman si Dotillos sa Barangay Mazawalo, Palompon, Leyte sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Palompon, Leyte RTC Presiding Acting Judge Hon. Dexter Aguilar para sa krimen ng statutory rape na walang ring inirekomendang piyansa. – sa panulat ni Angelica Doctolero