Bigo umano ang pamahalaan na ipatupad ang mga programa nito para maibsan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.
Ayon kay Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, lumalala ang pangungutang ng mga pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, mapagkakakitaan at kagutuman.
Sinabi pa ng Obispo na, dahil sa kawalan ng alternatibo upang maibsan ang kagutuman ng maraming Filipino pati pautangan ay pinapatulan na rin.
Nakikita rin ng Obispo na kulang pa rin ang trabaho at programa ng pamahalaan para sa mga mahihirap.
Sa pag-aaral ng World Food Program (WFP) mula August 16 hanggang September 5, 2015 sa mga mahihirap na probinsya sa Pilipinas, lumalabas na 62 percent ng mga kabahayan ang nagungutang.
Naitala naman ang Sulu na may mataas na porsyento o bilang ng mga nangungutang na umaabot sa mahigit 94 percent.
By: Mariboy Ysibido