Wala nang magiging boses ang mga marginalized sector kapag binuwag ang party list system.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni UP Professor Danilo Arao, Convenor ng Grupong Kontra Daya sa kabila ng malaking pagkukulang sa implementasyon ng nasabing sistema.
Sinabi ni Arao na tiyak na mayayaman at mai-impluwensya lamang ang mauupo sa puwesto at limitado talaga ang magiging boses ng mga nasa tinaguriang laylayan ng lipunan.
Kasabay nito, kinuwestyon ni Arao ang COMELEC sa pagpapalusot ng mga aniya’y hindi karapat-dapat na party list groups bagamat inaasahan na niyang gagamiting argumento ng komisyon ang desisyon ng Korte Suprema nuong 2013 na hindi lamang pang marginalized sectors ang uubrang masakop ng party list system.