Nagpakita na sa senado ang tinaguriang gaming tycoon na si Charlie Atong Ang.
Kasunod na rin ito ng muling pagpapatuloy sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hingil sa mga nawawalang tatlumput isang sabungero.
Una nang idinahilan ni Ang, ang kaniyang kondisyong pangkalusugan kayat bigong makadalo sa naunang pagdinig ng komite nuong Biyernes.
Magugunitang inihayag ni Committee Chair Ronald Bato Dela Rosa na kailangang kailangan sa imbestigasyon si ang dahil sa tatlong sabungang pag aari nito huling nakita ang mga nawawalang sabungero.
Si Ang ay Vice President ng luck 8 star quest incorporated na isa sa mga gaming company na pinayagan ng PAGCOR na makapag operate.