Nagsasabwatan umano ang iba pang e-sabong licensee kabilang ang isang retired PNP Chief at mga dati at kasalukuyang kongresista laban kay Charlie Atong Ang.
Ito ang ibinunyag ni Ang sa pagharap niya sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa mga nawawalang sabungero.
Tinawag pang trial by publicity ni ang at sa kanyang kumpanyang lucky 8 star quest incorporated ang ginagawang pagdinig ng senado kaugnay sa paghawak niya sa pinakamalaking online sabong operations sa bansa na itinanggi naman ni Committee Chair Ronald Bato Dela Rosa.
Sinabihan ni Dela Rosa si Ang na pangalanan ang mga tinutukoy na iba pasng e sabong stakeholder isang “pineda” ang binanggit ng gaming tycoon
Tinanong naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay ang kung sinu sino ang iba pang licensees ng e sabong.
Ang tugon ni ang ..siya ang number 1, number 2 si Bong Pineda, number 3 si Congressman Teves at number 4 si dating Congressman Patrick Antonio.
Number 5 naman kina Mayor Elan at number 6 si General Cascolan.
Ayon pa kay Ang, delikado na ang buhay niya kayat hinihiling niya ang isang executive session sa komite kung saan niya ibubunyag ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.