Opisyal nang sisimulan sa Marso 25 ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) para sa 2022 Local at National Elections.
Sa inilabas na pahayag ni PDP-LABAN wing sa pangunguna ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, magkakaroon ng ‘proactive role’ ang pangulo para sa kaniyang napupusuan sa eleksyon.
Nasa 6,592 kandidato para sa national at local ang ipo-promote nito sa ilalim ng PDP-LABAN.
Sa huling tala, wala pang napupusuang kandidato si Pangulong Duterte para sa susunod na presidente at bise-presidente sa eleksyon. – sa panulat ni Abigail Malanday