Iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsunod sa guidelines sa eleksyon para sa pag-apruba sa mga party-list groups.
Sa kabila ito ng sinabi ng poll watchdog kontra daya na nahahaluan ng political clan at malalaking negosyo ang mga party-list groups sa eleksyon.
Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino, ginagabayan ang comelec ng criteria at requirements na kailangan ng mga petitioners kung nais na makilala bilang party-list group.
Habang hiwalay pa ito ng kapangyarihan ng publiko na bumoto.
Matatandaang batay sa pahayag ng kontra daya, nasa 120 sa kabuuang 177 party-list groups ang kinilala na may political clans at malalaking negosyo. - Sa panult ni Abigail Malanday