Nagbabala sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa malaking panganib sa buong mundo sakaling mawala sa kontrol ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang mapapala sa digmaan ang sinuman.
Dagdag pa nito na bagama’t ang Pilipinas neutral sa pagsalakay ng russia sa ukraine, darating ang panahon na kailangan ng bansa na pumili ng panig.
Nabatid na ang mga pangyayari ay nagtulak kay US President Joe Biden na tawagan ang siyam na lider ng ASEAN, kabilang si Pangulong Duterte, para imbitahan sa washington sa Marso 28.
Hindi sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati kung tinanggap niya ang imbitasyon. – sa panulat ni Mara Valle