Isinailalim ang buong lalawigan ng Iloilo dengue alert level 5 para pilitin ang nasasakupan na sundin ang diskarteng “5s” laban sa paglaganap ng dengue.
Sa inilabas na Executive Order no. 190, series of 2022, ni Governor Arthur Defensor Jr. Na nagdedeklara ng alert level 5, nakasaad dito ang panukalang 5s na kumakatawan sa search and destroy mosquito breeding sites, seek early consultation, self-protection, say “yes” to fogging only in hotspot areas, at social distancing.
Nabatid na nitong Pebrero a-disi nuwebe ay nakapagtala ang Iloilo ng limampu’t siyam na kaso ng dengue kung saan dalawa dito ang nasawi. —sa panulat ni Mara Valle