Aabot pa sa 12 sasakyan ang narekober ng mga otoridad na may koneksyon sa car rental scam sa bulacan.
Ayon kay Major General Michael Villar, Chief Ng Bulacan Highway Patrol Group, nakumpiska pa ang apat na Toyota Wigo, dalawang Mitsubishi mirage at tig-isang unit ng Hyundai Accent, Toyota Rush, Toyota Innova, Mitsubishi Expander, Honda City at Toyota Vios.
Nasabat ito sa magkakahiwalay na lugar sa Bocaue, Bustos, Norzagaray, San Jose Del Monte at Metro Manila.
Unang naaresto nitong martes ng mga otoridad ang limang suspek na sina; Jennelyn Godoy, John Arce Chavez, Carlo Etomay, Harvie Odin at Lorenzo Sagayap. – sa panulat ni Abby Malanday