Patay ang sampung indibidwal habang siyam ang sugatan matapos ang pagsabog ng isang bahay dahil sa hinihinalang negosyo ng paputok sa Bhagalpur, Bihar State of India.
Ayon kay Bhagalpur District Magistrate Sybrat Kumar Sen, nangyari ang pagsabog sa bahay ng Mahendra Mandal sa Kajbalichak.
Dagdag pa ni Sen, nangongolekta na ng mga sample ang team ng bomb disposal squad at forensic expert upang alamin ang uri ng materyal na naging dahilan ng pagsabog.
Samantala, kinukumpirma pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. – sa panulat ni Airiam Sancho