Pawisin ba ang iyong mga kamay at paa?
Ayon sa mga eksperto ang pagpapawis ng kamay at paa ay maaring dulot ng kondisyong hyperhidrosis, may gout, hypertyroidism at mataas ang uric acid.
Payo ng mga eksperto para maiwasan ang pagpapawis ng kamay at paa ay ang;
Pagbabad nito sa maligamgam na tubig na may tawas dahil sa taglay nitong drying agent.
Makatutulong din ang pag-inom ng dalawa hanggang tatlong litro ng malamig na tubig kada araw para mabalanse ang temperatura ng katawan.
Maaari ring uminom ng green tea dahil ito ay nakapagsasara ng pores.
nakatatanggal ndin ito ng sobrang oil sa katawan at nakakapag moisturize ng balat.
Nakatutulong din ang paglalagay ng cornstarch o talcum powder sa bahagi ng katawan na sobra ang pagpapawis.
Ngunit paalala, dapat ding magpakonsulta sa mga doktor para sa tamang gabay sa mga nararamdaman. – sa panulat ni Airiam Sancho