Posible nang payagan ng Cebu City ang paggunita ng nakasanayang aktibidad sa panahon ng mahal na araw kasunod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Cebu City councilor at Emergency Operation Center (EOC) deputy implementer Joel Garganera, iminumungkahi nila na pahintulutan ang pagsasagawa ng mga tradisyon sa Holy Week tulad ng Visita Iglesia, prosisyon at ang Lenten play na Buhing Kalbaryo.
Makikipagpulong naman ang EOC sa mga lider ng simbahan sa nasabing lugar kaugnay sa mga gagawing aktibidad sa darating na Mahal na Araw.–-sa panulat ni Airiam Sancho