Kailangan pa rin ng COVID-19 vaccination card sa pagpasok sa mall sa lungsod ng Cagayan De Oro.
Ayon kay Mayor Oscar Moreno, hindi pa rin aalisin sa lungsod ang ipinapatupad na vaccination card policy kahit nasa Alert level 1 na ito.
Anila, layon nitong tiyakin na ligtas pa rin ang publiko sa pagkakahawa sa COVID-19.
Paliwanag nito, ang pagpapabakuna kasi ay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang mahal sa buhay at taong nakapaligid sa kanila.
Maliban dito, maigting pa rin nilang ipinatutupad ang minimum health protocols dahil may ilan pang lugar sa Hilagang bahagi ng Mindanao ang nasa ilalim pa rin ng Alert level 2.
Matatandang sinabi ni Department of the Interior and Local Government undersecretary Jonathan Malaya na dapat pa ring ipresinta ang vaccination card sa mga lugar na kabilang sa 3cs o Closed, Crowded at Closed-Contact areas.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles