Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang MIMAROPA, Bicol at Caraga region maging ang Visayas, Davao de Oro, Davao Oriental at Zamboanga del Norte.
Huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 250 kilometers east of Hinatuan, Surigao del Sur alas-tres ng hapon kahapon.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa publiko dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Asahan din na magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil parin sa easterlies at localized thunderstorms.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:09 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:05 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero