Arestado ng mga otoridad ang isang lider ng Jamal Criminal Gang sa ikinasang follow up operation sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Jamaloden Assirong y Marcelino alyas Jamal, 28-anyos na nakuhanan ng P136K halaga ng shabu na may timbang na aabot sa 20 gramo.
Ayon sa mga otoridad, agad silang nagkasa ng operasyon matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay sa iligal na aktibidad ng suspek.
Dito na naaktuhan ang suspek na nag-aabot ng isang plastic sachet na naglalaman ng shabu sa isang lalaki na buyer pero agad itong nakatunog sa mga pulis.
Mabilis na tumakas ang suspek pero agad ding nahuli ng mga otoridad kung saan, nakuha din ang P510 cash money.
Nakakulong na ang suspek sa Caloocan Police Detention Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero