Nagbabala sa mga mamimili ang Supermarket Industry dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ito ay sa kabila ng ika-10 sunod na linggong taas singil sa presyo ng produkto ng langis.
Ayon kay Steven T. Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, ilan sa mga grocery items na nagtaas ay ang powdered milk, canned meat, canned fish, fresh milk, biscuits, toothpaste, lotion, children’s formula, liquor, most imported items, bread spreads, at condiments.
Nagpaalala si Cua sa mga mamimili na itapat sa lean hours o ang oras na konti ang mga bumibili mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon para magkaroon ng mas maraming oras upang suriin ang mga presyo at mga label ng bawat produkto. —sa panulat ni Angelica Doctolero