Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi makikialam at makikisawsaw ang China sa halalan sa Pilipinas sa Mayo a–nwebe.
Taliwas ito sa naunang pahayag ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, noong Pebrero at mga ispekulasyon na mayroong Manchurian candidate ang Tsina.
Ayon kay Huang, hindi gawain ng China na makisawsaw sa internal politics ng ibang bansa.
May sarili naman anyang pag-iisip at disposisyon ang mga Pilipino sa pagpili ng kanilang leader.
Handa rin ang embahador na maka-trabaho ang susunod na pangulo ng bansa at umaasa na mapapanatili nito ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.