17 na ang nasawi sa malawakang flashfloods dulot ng walang tigil na pag-ulan sa Australia.
Pinaka-matinding apektado ng kalamidad ang Queensland at New South Wales, kabilang ang pinaka-malaking lungsod sa bansa na Sydney na ilang araw ng lubog sa baha.
Libu-libong residente naman ang apektado maging ang kanilang hanap-buhay.
Ayon sa Bureau of Meteorology ng New South Wales, asahan pa sa mga susunod na araw ang pag-ulan kaya’t malabo pang humupa ang tubig.
Samantala, posibleng abutin pa ng ilang buwan bago tuluyang makarekober ang mga apektado ng flashfloods.