Patay ang pito katao, kabilang ang dalawang bata sa pananalasa ng buhawi sa Iowa, USA.
Ayon sa mga otoridad, ang dalawang mga paslit ay wala pang limang taong gulang mula sa Madison County.
Sinabi ng Madison County Emergency Management Agency na apat ang sugatan, kung saan isa rito ay nagtamo ng life-threatening injuries.
Ilang siyudad naman sa Central Iowa ang lubhang naapektuhan ng nasabing buhawi, kung saan nasa 25 hanggang 30 kabahayan ang napinsala sa hilagang bahagi ng Winterset.