Apat na lungsod sa Luzon ang ‘very low risk’ na sa COVID-19.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, kabilang dito ang mga lugar ng Angeles, Dagupan, Lucena, at Olongapo.
Nasa very low classification ang growth rates, Average Daily Attack Rate (ADAR), reproduction number, healthcare utilization rate, at positivity rate ng nabanggit na mga lugar.
Ayon sa OCTA, ang COVID-19 growth rate ng apat na lungsod ay naglalaro sa negative 62% hanggang negative 30%.
Ang ADAR naman o ang average na bilang ng mga bagong kaso sa kada 100,000 populasyon ng apat na siyudad ay nasa 0.35 hanggang 0.55.
Mas mababa naman sa 1 ang reproduction number ng apat na lugar, kung saan itinuturing itong ideal figure na nangangahulugan ng mas kaunting pagkalat ng COVID-19.
Samantala, nasa low risk category sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), Baguio, Naga City at santiago habang nananatili naman sa moderate risk ang Puerto Princesa.