Hindi na kailangan pang mag-angkat ng asukal ang Pilipinas mula sa ibang bansa.
Giit ni Manuel Lamata, pangulo ng United Sugar Producers Federation (USPF), sapat ang asukal sa Pilipinas at nasa peak season ng pag-harvest.
Nabatid na una nang sinabi ng Sugar Regulatory Administration o SRA na solusyon ang importasyon para mapunan ang kakulangan ng asukal sa bansa.
Nasa 200,000 metric tons ng asukal ang balak i-angkat ng SRA, kasunod na pagkasira ng ilang refineries dahil sa bagyong Odette.
Nitong nakaraang Martes, unang tinutulan ng ilang mambabatas ang panukalang sugar importation sa hearing ng Committee on Agriculture and Food ng House of Representatives.—sa panulat ni Abby Malanday