Nakapagtala ng 3.68% ng fatality rate ang lalawigan ng Bicol matapos maitala ang 2,167 na bilang ng mga nasawi sa unang linggo ng Marso.
Ayon sa lokal na pamahalaan, pinakamataas na bilang ng mga nasawi ay ang Camarines Sur na mayroong 512; sinundan ito ng Sorsogon na may 472; Albay na may 465; Naga City na may 224; Camarines Norte na may 206; Catanduanes na may 116; Legazpi City na may 93; habang pinakamababa naman ang death toll sa Masbate na may 74.
Sa ngayon, nasa mahigit 10 indibidwal nalang ang naitatalang karagdagang bilang ng mga nasawi sa rehiyon bunsod narin ng mababang kaso nitong mga nakalipas na linggo. —sa panulat ni Angelica Doctolero