Simpleng salary increase lamang ang isinusulong na umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Teachers’ Dignity Coalition Head Benjo Basas na dapat mataas ang suweldo ng mga guro dahil sa ibang bansa aniya’y itinuturing na kapantay nila sa wage system ang mga abogado at engineer.
Ayon kay Basas, ang mga government teacher ay mayroon lamang salary grade 11 o katumbas ng P18,000 na sahod.
“Teaching is the most important job, and the single most important factor in an education system, so nagtataka kami kung bakit ang mga teachers ay kailangang ilagay sa napakababang salary grade.” Pahayag ni Basas.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita