Itinanghal bilang first miss International Queen Philippines ang Cebuana trans woman na si Fuschia Anne Ravena.
Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Fuschia ang mga tumulong sa kanya upang manalo sa nasabing pageant.
Si Ravena ang official representative ng Pilipinas sa Miss International Queen 2022, na itinuturing na World’s largest transgender women pageant na idaraos sa June 25, 2022 sa Pattaya, Thailand.
Samantala, kinoronahan naman bilang first runner-up ng miss International Queen Philippines 2022 si Anne Patricia Lorenzo Diaz ng Maynila habang second runner-up si Shane Lee Ahn ng Inayawan, Cebu.