Plano ng pamahalaan na gamitin na rin ang public at private clinics bilang vaccination site upang mas maraming Pilipino ang mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay health secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Medical Association hinggil dito.
Layon ng naturang hakbang na mas mailapit sa mga tao ang pagbabakuna laban sa virus.
Matatandaang kamakailan ay inilunsad ng pamahalaan ang resbakuna sa botika, kung saan pitong pharmacies at private clinics sa Metro Manila ang lumahok dito.
Target ng gobyerno na maabot ang 77 milyong Pilipinong fully vaccinated bago matapos ang buwan ng Marso, at 90 milyon naman bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng Hunyo.