Ipinagbawal na ng pamahalaang lungsod ng Davao City ang mga Caravan at Motorcade na may kaugnayan sa 2022 National at Local Elections na tatagal hanggang Mayo a-8.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sa inilabas na Executive Order, ipagbabawal na ang pangangampanya, rally, caucus, pagpupulong, kombensiyon, motorcade, caravan, at miting de avance.
Sa naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, kailangang ipagbawal ang mga nasabing aktibidad dahil narin sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin partikular na sa presyo ng langis kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ang sino mang lalabag sa naturang ordinansa ay posibleng maharap sa karampatang parusa. —sa panulat ni Angelica Doctolero