Maaaring pumalo sa 100 pesos ang kada litro ng gasolina sa mga susunod na linggo depende kung hindi mapipigilan ang pagsirit ng presyo sa international market.
Ito ang inamin ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa gitna ng walang prenong oil price increase.
Ayon kay Cusi, sa ngayon ay nasa 125 dollars na ang kada bariles ng Dubai Crude na pangunahing inaangkat ng Pilipinas habang ang retail price ng gasolina ay sumasampa na sa 70 pesos kada litro.
Sa kabila nito, umaasa at nananalangin anya sila na hindi na tataas pa ang presyo ng Dubai Crude sa world market.