Dumami ang mga Filipino na nagsabing magiging maayos ang kanilang pamumuhay sa susunod na labindalawang taon batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Sa isinagawang SWS 4th quarter net optimism survey simula December 12 hanggang 16 sa 1,440 respondents, 45% ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa taong 2022.
Kumpara ito sa 33% noong September 2021 habang ang resulta noong 4th na ang pinaka-mataas simula noong pre-pandemic level na 48% noong December 2019.
Bumagsak naman sa 3% ang nagsabing lalalá pa ang kanilang pamumuhay habang 42% ang nagsabing walang magbabago.
Samantala, walang tugon ang nalalabing 9% ng respondents.