Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pandemic restrictions nito at mananatili na lamang ang minimum health standard bilang public requirement sa lugar matapos isailalim ng IATF sa Alert level 1.
Para sa mga land, sea at air travel, maaaring dumaan ang mga residente at hindi residente sa mga border ng lungsod nang walang kinakailangang mga dokumento, maliban sa mga lugar na dapat magpakita ng I.D.
Sinuspinde na rin nito ang QR code para sa contact tracing at wala ng lockdown na ipinatutupad ngunit kailangan mag-isolate ang magpopositibong indibidwal sa COVID-19.
Samantala, sinimulan ng naturang LGU ang pagluluwag sa mga restriction nito matapos na patuloy na makapagtala ng mababang bilang ng arawang kaso COVID-19 mula noong nakaraang buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho