Tumaas ng 100% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Fernando, Pampanga, mula anim hanggang labindalawa, sa loob ng apat na araw.
Batay sa datos ng City Health Office nitong Marso 8, nakapagtala ang siyudad ng apat na bagong kaso, isang nakarekober at walang nasawi.
Mula Pebrero a-28 ay nakakapagtala lamang ang capital city ng single-digit cases, at noong March 2 naman nang magkaroon lamang ng apat na pasyente.
Sa kabuaan, nasa 14,268 ang kaso ng COVID-19 sa San Fernando, Pampanga, kung saan 13, 935 ang nakarekober habang 338 ang bilang ng mga nasawi.