Asahan ang mahihinang mga pag-ulan sa bahagi ng Cordillera kasama na dito ang Cagayan Valley dulot ng northeast moonsoon o hanging amihan.
Malaki ang tiyansa ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Bicol region, MIMAROPA at Palawan.
Makakaranas naman ng pulu-pulong mga mahihinang pag-ulan, pagkulog at pagklidlat ang Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila at sa nalalabing bahagi pa ng Luzon.
Mataas din ang tiyansa ng pag-ulan partikular na sa eastern Visayas, Tacloban, Bicol region, Iloilo at Cebu dulot parin ng shearline.
Posible ding magkaroon ng pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa malaking bahagi ng mindanao kabilang na diyan ang Caraga, Davao, Northern Mindanao, Soccsksargen, BARMM at Zamboanga peninsula partikular na sa Sulu, Tawi-Tagwi, Basilan dulot parin ng umiiral na Low Pressure Area (LPA).
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:07 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:05 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero