Magpapatupad ng aabot sa 63 sentimos kada kilowatt hour na umento ang kumpaniyang Manila Electric Company o MERALCO ngayong buwan ng Marso.
Batay sa abiso ng MERALCO, ito’y dahil sa mataas na generation charge bunsod na rin ng pagmahal ng bentahan ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM).
Bukod pa rito, marami ring biniling kuryente ang MERALCO dahil sa nakatakdang maintenance ng Quezon Power at First Gas – San Lorenzo plant.
Ipinaliwanag pa ng power distributor na nakaapekto rin sa panibagong umento ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Dahil dito, 13 pesos ang madaragdag sa monthly bill ng mga kumokonsumo ng 100 kilowatt per hour habang 31 pesos naman para sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt per hour.
Bago iyan, dalawang beses munang nagpatupad ng bawas singil sa kuryente ang MERALCO. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)