Pumalo na sa P1.7B ang utang ng overseas workers welfare administration (OWWA) sa mga hotel.
Ayon kay Philippine Hotel Owners Association Executive Director Benito “Bong” Bengzon Jr., ang naturang utang ay ginamit para sa quarantine ng mga balikbayan nitong kasagsagan ng pandemya.
Nanawagan naman si Bengzon sa OWWA na bayaran na ang utang upang makarekober din ang mga hotel.
Samantala, sinabi na ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nakipagusap na sila sa may-ari ng mga hotel at may ilalabas na rin umanong pondo ang pamahalaan upang mabayaran ang mga nasabing utang. – sa panulat ni Mara Valle