Pinag-aaralan ng gobyerno ang posibilidad na pagkakaroon ng bagong Alert level 0 sa Pilipinas.
Ito ay ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ng kalihim na pag-uusapan pa ang mga guidelines na lalamanin sa paiiralin na pinakamababang alert level.
Aniya, maraming katanungan ang dapat na mabigyang linaw, tulad ng kung maaari na bang hindi magsuot ng face mask o maari na rin bang hindi sumunod sa hand hygiene.
Ipinabatid pa ni Duque na sa oras na makabuo ng konklusyon, magkakaroon aniya ng rekomendasyon sa inter agency task force o iatf sa mga susunod na araw.