Binalaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga national at local candidate sa pagsasagawa ng mga raffle sa gitna ng kampanya.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Director James Jimenez, ipinagbabawal ang mga raffle kapag nagsimula na ang mismong campaign season dahil maaaring makasuhan ang mga kandidato.
Pebrero a–8 nang umarangkada ang kampanya para sa national candidates habang sa Marso a–25 lalarga ang para sa mga local candidate.
Maaari anyang humantong sa vote buying kung magsasagawa ng raffle kaya’t mas makabubuting huwag na lamang ituloy ang mga ganitong aktibidad.