Nasa 2,200 overseas filipino workers (OFWs) na hindi pa fully vaccinated laban sa COVID-19 ang naka-quarantine ngayon sa mga hotel.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, ang nasabing mga OFW ay nananatili sa humigit kumulang 70 hotels.
Aniya, kailangan pa ring sumailalim sa quarantine ang mga partially vaccinated o hindi pa fully vaccinated laban sa virus.