Humirit ng taas-presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang isang grupo ng manufacturer ng sardinas, bunsod ng walang patid na taas-presyo ng langis.
Inapela ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) sa ahensya na pagaanin ang price shocks at trade disruption dulot ng girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay CSAP Executive Director Francisco Buencamino, naiintindihan nila na kailangan ng DTI na gumawa ng balanseng hakbang para sa manufacturers at mga konsyumer, ngunit pinangangambahan nila na tumaas lalo ang gastos sa produksyon kapag nagkaroon muli ng pagsirit sa presyo ng krudo.
Nitong martes nang ilarga ng mga kumpanya ng langis ang ika-10 sunod na oil price increase.