Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang hakbang ng Pamahalaan na itaas sa 16 na taong gulang ang age of sexual consent mula sa dating 12 taong gulang.
Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, batay sa kanila ng crime statistics, pumapangalawa ang rape sa mga pinakamaraming krimen sa bansa.
Nuong 2020 aniya, nakapagtala ang PNP ng 9,593 na mga kaso kung saan ay aabot sa 7,000 kabataan ang nabiktima.
Bumaba pa ito nuong 2021 sa 8,460 na kinabibilangan ng 6,000 kabataang biktima habang nasa 594 na kaso ang naitala nito lang Enero kung saan ay nasa 457 ang mga nabiktima.
Gayunman, sinabi ni Fajardo na posibleng tumaas pa ang kanilang datos dahil sa pag-aruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 116481 na nagtataas ng age of sexual consent. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)